Absilog
Di ko alam kung anong gusto ko sa mundo, pero sigurado ako na gusto ko ng sinangag at itlog. Samahan mo pa ng kape.

Ang tumblr na ito ay para sa kung anu-ano, mga saluobin, mga nakikita at nababasa sa internet, at mga bagay na gusto ko lang maalala. Parang sinangag at itlog, bagay sa maraming bagay.

Ask/tell me anything
Note

Gusto ko lang makisawsaw sa USTET vs UPCAT issue.

Mga bata, wala sa eskwelahan yan. Asa tao. Kahit pumasa ka pa sa kahit anong eskwelahan kung di ka rin naman mag aaral ng mabuti, di ka rin tatagal. Kahit anong eskwelahan, kung hindi ka mag titiyaga pagka-graduate mo, wala kang patutunguhan. Kung di mo rin naman gusto ang inaaral mo, di ka rin sasaya. Kaya kung ako sa inyo, piliin niyo ang kursong talagang intresado kayo at hindi lang dahil maganda yung eskwelahan o yan ang uso. Wala sa entrance exam yan, kung hindi mo rin kaya tumagal sa pinasukan mo. I wouldn’t have met the best people I know and have a job I like (despite the stress and my complaints about it) if I chose otherwise. I love UST and my course. No doubt about it. I wish you guys would feel the same way about yours. /endsawsaw

At oo, mas nahirapan ako sa entrance exam ko sa UP pero keber lang kasi ever since napanuod ko si Bal David, gusto ko na mag UST. LOL.

Note
Absilog


Sinangag at Itlog
TumblrKenna